Home NATIONWIDE SolGen: Pinas ‘di obligadong makipagtulungan sa ICC probe

SolGen: Pinas ‘di obligadong makipagtulungan sa ICC probe

MANILA, Philippines – Walang ligal at moral na obligasyon ang Pilipinas na makipagtulungan sa International Criminal Court (ICC) sa kabila ng panawagan ng ilang mambabatas.

Ipinaliwanag ni Solicitor General Menardo Guevarra na ang resolusyon na inihain sa Kamara at sa Senado na naghihikayat na makipagtulungan ang pamahalaan sa imbestigasyon ng ICC hinggil sa anti-drug war ay ay pagpapahayag lamang ng kanilang saloobin.

Magkaiba aniya ang pagtanggi na makipagtulungan sa ICC prosecutor at ang muling pagsali sa ICC.

Ipinaliwanag ng OSG na sa sandaling mapagtibay sa Kongreso ang mga resolusyon, maituturing lamang ito na non-binding expression ng sentimiento ng lehislatura habang ang usapin ng pagiging miyembro muli ng ICC ay isang policy decision na kailangan busisiin ng maigi.

Muling iginiit nito na walang ligal na tungkulin ang Pilipinas na makipagtulungan sa international tribunal matapos maging epektibo ang pagkalas ng bansa sa ICC noong 2019.

Nabigyan lamang aniya ng otorisasyon ang ICC prosecutor na mag-imbistiga sa anti-drug war campaign ng dating Duterte administration nitong 2021. Binigyan-diin ni Guevarra na panghihimasok sa soberenya ng Pilipinas ang gagawin ng ICC at isang pagsakdal sa buong legal ay judicial system ng bansa. Teresa Tavares

Previous article2 babae nagpanggap na dentista arestado
Next articlePaghahain ng diplomatic protest pinag-aaralan ng Pinas sa umaligid na China jets