Home NATIONWIDE SolGen: PNP tumatalima lang sa utos ni PBBM sa ICC arrest warrant

SolGen: PNP tumatalima lang sa utos ni PBBM sa ICC arrest warrant

MANILA, Philippines- Sumusunod lamang ang Philippine National Police (PNP) sa kautusan ni Pangulong Bongbong Marcos na huwag ipatupad ang warrant of arrest na posibleng ilabas ng International Criminal Court (ICC) laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Solicitor General Menardo Guevarra na ang PNP at iba pang law enforcement officers ang awtorisadong magsilbi ng warrants of arrest sa Philippine territory,

Ang pahayag aniya ng PNP ay simpleng pagsunod lamang sa direktiba ng Pangulo na siyang may kontrol sa sangay ng ehekutibo.

Iginiit kamakailan ng PNP na hindi nito ipatutupad ang arrest order ng ICC dahil sa kwestiyon ng hurisdiksyon.

Una nang sinabi ni Marcos na hindi nito kinikilala ang hurisdiksyon ng ICC sa Pilipinas at itinuturing pa itong banta sa soberanya ng Pilipinas.

Inihayag din kamakailan ni Guevarra na maaring magpalabas ang ICC ng warrant laban sa opisyal ng bansa ngunit ang pagpapatupad nito ay ibang usapin na. Teresa Tavares

Previous articleP4.51B ilegal na droga, kemikal dinispatsa ng PDEA
Next articleDavao de Oro mining firm pinaiimbestigahan kasunod ng landslide