Home NATIONWIDE ‘Solicited bidding’ sinisilip ng DOTr para sa pagsasapribado ng EDSA busway

‘Solicited bidding’ sinisilip ng DOTr para sa pagsasapribado ng EDSA busway

MANILA, Philippines- Maaari umanong isagawa ang planong pagsasapribado ng serbisyo ng EDSA Bus Carousel o Busway ay sa pamamagitan ng solicited bidding.

Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, nais niya itong gawin sa pamamagitan ng solicited bidding process upang mapabilis.

Gayunman, sinabi ni Bautista na ang DOTr ay nakatanggap ng unsolicited proposal mula sa grupo ng pribadong sektor para kunin ang operasyon ng EDSA Busway.

Ngunit sinabi ni Bautista na gumagawa sila ng parallel study at nakipag-ugnayan sa isang consultant at transaction adviser para gawin ito sa pamamagitan ng solicited bidding.

“But we are doing a parallel study… We have engaged a consultant, transaction adviser to do it through solicited bidding,”” sabi ni Bautista.

“To be honest, solicited [bidding] is faster because the Swiss Challenge for unsolicited bids takes a minimum of 90 days to one year,” dagdag pa ng Transportation chief.

Noon pang Oktubre 2022 ay nanawagan ang Department of Transportation para sa isang feasibility study para sa iminungkahing pribatisasyon ng EDSA Busway System.

Pinili ng DOTr ang solicited bidding para sa operasyon at pagsasapribado ng pagpapanatili ng Ninoy Aquino International Airport, na naging “de facto closed.”

Nagtapos noong nakaraang linggo ang P170.6 bilyong NAIA privatization initiative kung saan ang consortium na pinamumunuan ng San Miguel Corp. ang umusbong bilang nanalong bidder.

Ang solicited bidding ay tumagal nang wala pang dalawang buwan mula nang pormal na buksan ng DOTr noong huling bahagi ng Disyembre 2023. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleP10.9M premyo sa Lotto 6/42 nasolo
Next articlePuganteng Chinese naharang sa NAIA