MANILA, Philippines – Wagi ng P7,656,441.80 sa Lotto 6/42 ang nag-iisang mananaya, ayon sa resulta ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) lotto draw nitong Sabado, Hulyo 8.
Maswereng nahulaan ng solo winner ang winning digits na 03-28-12-26-08-21.
Samantala, nanalo rin ang 91 bettors ng tig-P24,000 para sa ikalawang gantimpala, habang 3,304 na manlalaro ang nanalo ng tig-P800 para sa ikatlong gantimpala.
Samantala, ang Grand Lotto 6/55 jackpot prize na nagkakahalaga ng P29,700,000 ay hindi napanalunan kung saan lumabas ang 48-24-02-12–42-43 na winning combination nito ring Sabado.
Limang tumataya sa Grand Lotto, gayunpaman, ay nanalo ng tig-P100,000 para sa ikalawang premyo, habang 519 na manlalaro ay nanalo ng tig-P1,500 para sa ikatlong gantimpala.
Ang susunod na Grand Lotto 6/55 at Lotto 6/42 ay ibobola sa Hulyo 10 at 11, ayon sa pagkakabanggit. RNT