Home NATIONWIDE Solon kay Diokno: Confidential funds panggigilan kaysa Free College Education

Solon kay Diokno: Confidential funds panggigilan kaysa Free College Education

MANILA, Philippines – Sa halip na kuwestiyunin ang pondo sa Free College Education, mas maiging pagtuunan ng gigil ni Finance Secretary Benjamin Diokno ang confidential and intelligence funds (CIF) ng iba’t ibang ahensya.

Ang patutsada ay ginawa ni Kabataan partylist Rep Raoul Manuel kay Diokno sa harap ng pahayag nito na ang Universal Access to Quality Tertiary Education law o free college education law ay ” wastefultot unsustainable”.

Ayon kay Manuel ang CIF ay pataas ng pataas kada taon, sa katunayan noong 2016 ay nasa P1.58 billion, P5.57 billion noong 2017 at P10 billion noong 2023.

“Gusto ko po sana marinig mula sa DOF Secretary kasi matapang na kinukwestiyon iyong free education.
Ang nakikita po natin ay may double standard eh. Kapag serbisyo, tinitignan na gastos ito, dapat manglimos iyong ating mga kababayan, pero pag CIF, ang dali lang at hindi nga kinukwestiyon ng Department of Finance,” pahayag ni Manuel.

Sa panig ni House appropriations panel senior vice chairperson Stella Quimbo sinabi nito na ang pahayag ni Diokno ay personal na opinyon lamang nya, aniya, ang Marcos administration ay nakatuon ang atensyon at pinaglalaanan ng pondo ang Free College Education law. Gail Mendoza

Previous articlePaglikha ng 5 med schools, dagdag SUCs aprubado sa Senado
Next articleSexual abuse sa minor itinanggi ng Socorro, pero early marriage pinagtanggol