Home NATIONWIDE Solon kay PBBM: Migrant worker chief italaga naman

Solon kay PBBM: Migrant worker chief italaga naman

Manila, Philippines – Matapos bitiwan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ang pagiging kalihim ng Department of Agriculture (DA) ay humirit na rin ang isang solon na magtalaga na ito ng bagong kalihim ng Department of Migrant Wokers (DMW).

Ayon kay Minority Leader at 4Ps party-list Rep. Marcelino “Nonoy” Libanan na mahalagang makapagtalaga ng bagong jkalihim ng DMW upang maging maayos ang direksyon ng pagkilos para sa mga OFW kaugnay ng tumitinding giyera sa pagitan ng Israel at Hamas.

Itinalaga ng pangulo si Francisco Laurel Jr. Bilang kalihim ng Agriculture Department.

“The President’s decision to finally relinquish the post of agriculture secretary is most welcome, as he can now concentrate wholly on his job as chief executive. We would also urge the President to name a new migrant workers secretary right away, considering that the ongoing war between Israel and Hamas might escalate and put more Filipino workers in harm’s way.”

Giit ni Libanan na ang DMW at Department of Foreign Affairs (DFA) ay kailangang maging handa at makapaglatag na ng contingency plans kaugnay sa mga natitira pang OFW sa Israel at Gaza Strip.

Matatandaan na ang tanggapan ng kalihim ng DMW ay nabakante matapos na pumanaw si dating Secretary Susan ‘Toots’ Ople noong August 22 na ngayon ay pansamantalang pinangangasiwaan ni Hans Leo Cacdac bilang officer-in-charge.

Sa isang press briefing sa Malacañang ay inihayag ng pangulo na kaniya ng pinapanumpa si Laurel bilang kalihim ng DA.

“I have just administered the oath of office for the new secretary of the Department of Agriculture, Francisco Laurel. And, this is because it is time that we have found somebody who understands very well the problems that agriculture is facing,” sinabi ni Marcos na namahala sa naturang sangay sa loob ng mahigit isang taon. Meliza Maluntag

Previous articlePagkakatalo bilang kongresista inapela ni Jalosjos Jr.
Next articleHepe ng Pasay police, 26 iba pang pulis sinibak sa pagpapabaya sa POGO illegal activities