Home NATIONWIDE Solon kay Rep. Castro sa isyu kay ex-PRRD: ‘Wag balat sibuyas!

Solon kay Rep. Castro sa isyu kay ex-PRRD: ‘Wag balat sibuyas!

MANILA, Philippines – “Hindi dapat maging balat sibuyas ang mga pulitiko”

Ito ang pahayag ni Davao City First District Rep. Paolo Duterte bilang reaksyon sa naging paghahain ng kasong kriminal ni ACT Teachers Partylist Rep France Castro laban sa kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“We all have the right to file a complaint against anyone in court. But public servants should not be onion-skinned and should not make use of this right as a tool to silence critics.As public servants, we all are under scrutiny by the Filipino people,” pahayag ni Duterte.

Ani Duterte, ang kanyang ama ay nakatanggap din ng mas masasakit at nakahihiyang komento sa mga nagdaang taon subalit kailanman ay hindi ito nagkaso sa sinuman.

“If the former President has said something that threated her, then maybe she should come out clean. As a congressman myself, madami din akong alam na makakaliwang mga partylist representatives. Tigilan na lang natin ang kadramahan at pagpapamedia” giit pa nito.

Matatandaan na sa isang panayam sa dating Pangulo ay sinabi nitong dapat maging target ng intelligence fund ng kanyang anak na si Vice President at Education Secretary Sara Duterte ay si France, na sinabayan pa nito ng banta na “kayong mga komunista ang gusto kong patayin”.

Hindi pinalampas ni Castro ang naging banta ng dating Pangulo na hindi umano isang biro lamang.

Ang kasong laban sa dating Pangulo ang siyang kauna-unahan na naisampa laban dito mula nang bumaba sa pwesto. Gail Mendoza

Previous articleEx-DOH chief Garin, 3 iba pa kinasuhan ng Ombudsman sa Dengvaxia
Next articleBulkang Bulusan itinaas sa Alert Level 1