Home NATIONWIDE Solon nag-alok ng P100K pabuya vs tserman killer

Solon nag-alok ng P100K pabuya vs tserman killer

207
0

MANILA, Philippines – Upang agad na maresolba ang krimen, naglabas ng P100,000 na pabuya si Sultan Kudarat Rep. Horacio Suansing Jr. sa sinomang makapagbibigay impormasyon ukol sa pagpatay sa dalawang village chiefs sa Lebak, Sultan Kudarat.

Sa ngayon ay patuloy ang pagtutugis at imbestigasyon ng Lebak Municipal Police Station at Sultan Kudarat Provincial Police Office sa nasa likod ng hiwalay na pagpatay kina Barangay Basak chair Rogelio S. Talagtag Jr noong Enero 26 at Barangay Salaman chair Danny A. Angkay na inambus sa Ampatuan, Maguindanao del Sur noong April 18.

Advertisement

Sinabi ni Suansing na umaasa sya na sa pagpapalabas ng.pabuya ay makakakuha ng lead para sa mabilis na pagresolba sa kaso.

“No one is above the law,” ani Suansing.

Sa mga may impormasyon sa krimen ay maaring tumawag sa Lebak Municipal police station sa 0995-885-5413. Gail Mendoza

Previous articleBelmonte, Singson tinanghal na top performing city mayors
Next articleSue, umaming malandi!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here