MANILA, Philippines – Nagbitiw na sa Partido Demokratiko Pilipino-Labas ng Bayan(PDP-Laban) na partido ni dating Pangulong Rodrigo Duterte si House Senior Deputy Speaker Pampanga 3rd district Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr.
Ang pagbibitiw ni Gonzales ay sa harap na rin ng pagtawag kamakailan ni Duterte sa Kamara bilang “rotten institution”.
Si Duterte ang syang Chairman ng PDP-Laban habang si Gonzales ang syang tumatayong party treasurer.
Ang pagbitiw sa partido ni Gonzalez ay kasunud ng plenary meeting ng Committee of the whole kung saan 227 mambabatas ang dumalo.
Layon ng ginawang pulong na pag-usapan ang House Resolution (HR) No.1414, ang resolusyon na ito ay nakatuon para itaas ang integridad ng Kamara sa ilalim ng pamumuno ni House Speaker Martin Romualdez sa harap na rin ng pagbanat kamakailan ni Duterte sa institusyon.
Sa naging debate sinabi ni Albay Rep Edcel Lagman na dapat ipagtanggol ang Kamara sa naging pagtawag dito na rotten institution ni Duterte.
Sa panig ni Gonzales inamin nito na sumama ang kanyang loob sa naging pagtrato ni Panguloing Duterte sa Kamara
“I hate to say this, Mr. Chairman, but when I heard the word “rotten”, of course I felt bad,” paliwanag ni Gonzales.
Kasabay ng pagdugso ng emosyon sa naging deliberasyon sa plenaryo ay nagdesisyon si Gonzales na magbitiw na sa PDP-Laban.
Ilang mambabatas ang una nang nagpahayag ng kanilang saloobin sa pagbabatikos ni Pangulong Duterte sa Kamara kung saan kapwa nito ipinagtanggol ang liderato ni Romualdez na nakakatanggap ng mataas na performance at trust rating dahil sa magandang pamamalakad sa Kamara. Gail Mendoza