Home NATIONWIDE Solon sa DFA: Singapore pagpaliwanagin sa Taylor Swift exclusive concert

Solon sa DFA: Singapore pagpaliwanagin sa Taylor Swift exclusive concert

Manila, Philippines – Hinimok ni House Ways and Means Chairman Joey Sarte Salceda ng Albay ang Department of Foreign Affairs na pagpaliwanagin ang embahador ng Singapore kaugnay sa sinasabing exclusive concert ni Taylor Swift sa nasabing bansa.

Iginiit ng kongresista na dapat padalhan ng note verbale ng DFA ang Singaporean Embassy upang magpaliwanag sa diumano ay “exclusivity terms in the grant given by the Singapore Tourism Board (STB) and the Ministry of Culture, Community and Youth (MCCY) sa AEG Presents, ang production company na nag-organisa sa concert ng international pop star na si Taylor Swift.

Ani Salceda ang nabanggit na kasunduan na nagbabawal sa AEG na magkaroon pa ng concert si Swift sa ibang bansa sa Southeast Asia ay maitututring aniyang “isn’t what good neighbors do.”

“Some 3 million USD in grants were allegedly given by the Singapore government to AEG to host the concert in Singapore. The catch was that they do not host it elsewhere in the region.”

Ang alegasyon ay isinapubliko ni Thailand Prime Minister Srettha Thavisin na nagsabing ang grant ay inalok sa kondisyong hindi magkakaroon ng Southeast Asian leg si Swift sa concert tour nito

“I give it to them that the policy worked. Regional demand for Singaporean hotels and airlines was up 30 percent over the period. I estimate that the exclusivity term caused an increase in industry revenues by USD 60 million. So, the grant produced 30 times more in economic activity.”

“But it was at the expense of neighboring countries, which could not attract their own foreign concert goers, and whose fans had to go to Singapore.”

Patuloy na nagdududa si Salceda kung ang exclusivity terms ay nakasaad sa kontrata.

“I doubt the exclusivity terms were on the grant contract itself. But I don’t think we should just let things like this pass. We should still officially register our opposition.”

Iginiit pa ni Salceda na ang mga ganitong kasunduan ay hindi makatutulong sa kaisahan ng mga bansa sa Asya.

“It also runs contrary to the principle of consensus-based relations and solidarity on which the ASEAN was founded. So, I think the DFA should send a note verbale to our counterparts in Singapore. Our countries are good friends. That’s why actions like that hurt.” Meliza Maluntag

Previous article16 proyekto pinasinayaan, subsidiya sa 4K magsasaka tinaasan ng NIA
Next articleMaharlika Investment Corporation, bawal sa mga dayuhan