Home NATIONWIDE Solons kay Sen. Imee: ‘Wag lang Marites, mga alegasyon patunayan

Solons kay Sen. Imee: ‘Wag lang Marites, mga alegasyon patunayan

MANILA, Philippines – Umapela ang ilang mambabatas kay Sen. Imee Marcos na suportahan ng mga dokumento at sapat na ebidensya ang mga akusasyon kaugnay sa kinukuwestiyong 2024 national budget.

Sa isang regular pressconference sa Kamara sinabi ni Lanao del Norte Rep. Mohamad Khalid Dimaporo na si Sen Marcos ay miyembro ng bicameral conference committee na nagsapinal ng 2024 budget kaya alam nito ang mga pinaglaanan ng pondo.

“Now if you want to point fingers on where certain realignments came from, get the minutes of the bicam,” pahayag ni Dimaporo.

Ani Dimaporo, ang mga nagiging pahayag sa publiko ni Sen Marcos ay tila pagma-maritess lamang.

“As much as possible we keep things professional that you know the Filipino people are deserving more of the usual marites,” ani Dimaporo.

Tinuring naman ni Manila Rep. Ernesto Dionisio Jr na unprofessional ang mga akusasyon na lumalabas sa mga social media patungkol sa 2024 budget.

“Sa akin lang personally, when I watch the news, when I see mga social media, sa YouTube minsan, nakakalungkot eh may mga statements na binibitawan that’s very unprofessional. Sa aking humble opinion, we have to keep things professional e,” ani Dionisio.

“So, let’s keep it cordial, mag-respetuhan and I think things will move forward. So again, tama ‘yung sinabi ng mga colleagues natin, nasa record naman lahat ‘yun eh. So may mga sinasabing hearsay, opinyon nito, opinyon nyan, then check the minutes kung saan talaga nagkaroon ng issue,” giit pa ng mambabatas.

Para naman may La Union Rep. Paolo Ortega, tapos nang naipasa ang 2024 national budget na kapwa sinang-ayunan ng Kamara at Senado kaya nakapagtatakang may mga isyu na inilulutang ang mga senador.

“Bakit ngayon lang ‘to lumalabas eh dumaan naman po lahat ‘to sa mga sa rigorous na budget process ng House and the Senate. So, I guess, kung may administrative concerns or budgetary concerns dapat na thresh out na po ‘yan sa sa mga hearings natin,” paliwanag ni Ortega.

Ilan sa isyu sa national budget ay ang alegasyon ni Sen. Marcos na ginamit ang bilyong pondo ng uniformed and retired personnel para sa ilang programa ng administrasyon na para sa mga mahihirap na itinanggi ng Kamara. Gail Mendoza

Previous articlePamahalaan bubuo ng ‘world-class’ infra sa pagsisiguro ng investors’ growth
Next articleForeman patay sa pagsabog ng acetylene tank