Home NATIONWIDE Solons: PI investigation magiging circus lang at aksaya ng oras

Solons: PI investigation magiging circus lang at aksaya ng oras

MANILA, Philippines – Para sa ilang mambabatas aksaya lamang ng oras at magiging “circus” ang gagawing imbestigasyon ng Senado kaugnay sa People’s Initiative (PI).

Kapwa sinabi nina Quezon Rep. David ‘Jay-jay’ Suarez at Bataan Rep. Geraldine Roman na nagdesisyon na ang Commission on Elections(Comelec) ukol sa PI kaya wala na rin silbi ang pag-iimbestiga na balak gawin ng Senado.

“it’s moot and academic. Nag-rule na yung Comelec en banc, suspended na muna yung signatures, So technically, yung PI wala na yun,” pahayag ni Suarez.

“So I mean, why have a hearing?…let’s move forward with the Senate bill, let’s move forward with the House resolution, just so that we can push the discussion faster,” paliwanag ni Suarez kung saan hinimok nito ang mga senador na tutukan na ang Resolution of Both Houses (RBH) No.6.

Gayundin naman ang pahayag ni Roman, aniya pag aaksaya lamang ng oras ang mangyayari kung iimbestigahan pa ang PI.

“It’s hard to read the good senator’s Imee Marcos intentions, but my personal opinion is that it is a waste of time. It’s moot and academic because the committee has already stated its position for the PI to stop,” pahayag ni Roman.

“So I think we would rather, well, it would be better if the Senate focuses its time and attention to RBH No.6, if they’re really intent and sincere to push for constitutional defense,” giit pa nito.

Idinagdag pa ni Suarez na kung ang pag-iimbestiga ay para lamang idelay muli ang usapin sa Charte Change ay hindi na dapat ito gawin ng Senado. Gail Mendoza

Previous articleImee sa panawagan ni Romualdez na ‘walang bastusan’: Siya nag-umpisa
Next articleCNN employees na nawalan ng trabaho aayudahan ng DOLE