Home FOOD Sorbetes, halo-halo pasok sa ‘Top 50 Best Frozen Desserts in the World’

Sorbetes, halo-halo pasok sa ‘Top 50 Best Frozen Desserts in the World’

MANILA, Philippines – Hindi lang swak sa bulsa at panlasa kundi swak din sa TasteAtlas’ Top 50 Best Frozen Desserts in the World ang dalawa sa paboritong matamis na panghimagas sa Pilipinas.

Sa nasabing listahan, pasok ang sorbetes sa Top 5, kung saan inilalarawan ng TasteAtlas ang dessert bilang “isang sikat na Filipino ice cream na may mga sangkap tulad ng mangga, tsokolate, keso, niyog, at purple yam (ube).”

Hindi naman pahuhuli ang Halo-halo ng Pinas na pumwesto sa ika-43 ranggo.

Ang “naka-refresh” na dessert sa tag-araw ay idinetalye ng website bilang pinaghalong “prutas at beans, na nilagyan ng pinong dinurog na yelo at alinman sa gatas o ice cream.”

“Ang ilan sa mga pinaka-karaniwang sangkap ng halo-halo ay kinabibilangan ng saging, langka, niyog, kamote, pulang munggo, chickpeas, prutas ng sugar palm, purple yam jam, leche flan, at – nitong mga nakaraang panahon – kahit na matamis na mais o corn crisps, “dagdag nito.

Samantala, ang Iranian ice cream bastani sonnati ay tumanggap ng pinakamataas na puwesto, na sinundan ng Peruvian dessert queso helado. RNT

Previous articleGrade 11 tiklo sa damo
Next articleP127M ayuda sa mangingisdang sapul ng oil spill, ipinamahagi

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here