Sotto kumpyansang ‘di aabot ang Pinas sa pagbebenta ng ari-arian bilang pagtugon sa COVID-19

Sotto kumpyansang ‘di aabot ang Pinas sa pagbebenta ng ari-arian bilang pagtugon sa COVID-19

April 9, 2020 @ 3:20 PM 3 months ago

  • 152
  •  
  •  
    152
    Shares
Share

Manila, Philippines – Hindi aabot ang Pilipinas sa punto na magbebenta ito ng sariling mga pagmamay-ari bilang pagtugon sa paglaban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ayon kay Senate President Vicente Sotto III, Huwebes Santo, Abril 9.

 

“I do not think it will get to that point considering the serious ways we are undertaking to address the disease,” ayon kay Sotto sa isang ulat.

 

Ang kumento ay ginawa ng senador matapos na sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang public address na ikokonsidera niya ang pagbebenta ng assets ng gobyerno para may mapagkunang pondo sa pagtugod sa COVID-19.

“Pag maubos talaga ang pera, ipabili ko lahat ng propiyedad ng gobyerno. Iyang Cultural Center, PICC, yung lupa diyan. Totoo,” ani Duterte.

 

“Kapag wala na akong makuha and we are about to sink, and really sink, I will sell all the assets of government tapos itulong ko sa tao,” giit pa ng Pangulo.

 

Pero sa tingin naman ni Sotto na ang binitawang salita ng pangulo ay senyales lang ng pagsisiguro nito sa mga Filipino.

 

“I believe the President is merely giving us the assurance that he will do whatever it takes to fund the health and recovery of the entire country,” anang Senate President. RNT

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...