Home NATIONWIDE South Korean firm nag-aalok ng pinakabagong submarine sa PH Navy

South Korean firm nag-aalok ng pinakabagong submarine sa PH Navy

MANILA, Philippines – Inalok ng South Korean shipbuilder na Hanwha Ocean ang Philippine Navy para gumawa ng pares ng submarine na itatapat sa proposal ng ibang shipbuilding giants mula sa France at Spain.

Ang mga opisyal ng Hanwha Ocean ay nasa Manila noong nakaraang linggo para ipakilala ang pinakabagong 2,800-ton Jang Bogo-III submarines sa Philippine Navy para sa updated proposal nito.

Taglay ng 77-meter diesel-electric submarines na ma overall beam na 9.7 metro, ang pinakabagong propulsion system at lithium-ion battery technology na makasisiguro ng enhanced defense capability ng Pilipinas para protektahan ang soberanya nito, at strategic maritime interests, sinabi ni Hanwha Ocean vice president Steve SK Jeong sa isang press briefing sa Manila.

Idinagdag ni Jeong na ang two-boat submarine ay bahagi ng submarine force package na kalakip ang training, technology transfer, safety at integrated logistics support, simulators at maintenance yard sa Subic Bay “or anywhere the Navy wants them.”

Kabilang sa government-to-government deal ang long-term loan na may delivery ng pitong taon sa oras na mapirmahan na ang kasunduan.

Ang Jang Bogo-III submarines ay kasalukuyang pinatatakbo ng Korean Navy para sa two-year period.

Armado ito ng anim na torpedo tubes na kayang tumira ng antiship missile, at submerged speed na 21 knots at kayang magdala ng 41 tauhan.

Dagdag pa, ang submarine na ito ay may air independent propulsion system para sa mas malawak na endurance at range sa ilalim ng tubig.

Ang kapabilidad na ito ay “subject to negotiation” pa depende sa pangangailangan ng Philippine Navy. RNT/JGC

Previous articlePagpapahusay sa PPP, magbibigay-trabaho, maayos na imprastraktura sa Pinoy -Poe
Next articlePamahalaan aaksyon sa pag-aalis sa barrier ng China sa Scarborough Shoal – Año