Home NATIONWIDE South Korean na sangkot sa financial fraud ide-deport ng BI

South Korean na sangkot sa financial fraud ide-deport ng BI

MANILA, Philippines- Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang South Korean na wanted ng mga awtoridad sa Seoul dahil sa pagkakasangkot nito sa financial fraud.

Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang suspek na si You Hyun Tea,  naaresto sa Cordova, Cebu ng mga operatiba ng BI fugitive search unit (FSU).

Ayon kay Tansingco, si You ay pababalikin sa Korea bilang kautusan sa kanyang summary deportation na inisyu ng BI board of commissioners noong 2021.

“He was arrested on the strength of a deportation warrant that was issued pursuant to the said deportation order. He was also included in our immigration blacklist which perpetually barred him from re-entering the Philippines,” ayon kay Tansingco.

Si You ay dumating sa bansa noong May 30, 2003 at hindi kailanman ipina-deport sa loob ng 21 taon.

“This time we will make sure that this overstaying alien and wanted fugitive is deported to his country so he can stand trial and be made to pay for his alleged crimes.” ani Tansingco.

Ayon kay BI-FSU acting chief Rendel Ryan Sy, isang warrant of arrest ang inisyu kay You ng Mokpo branch sa Gwangju district court noong Pebrero 15, 2020 matapos siyang isangkot sa fraud at paglabag ng Korea’s electronic financial transactions act.

Ayon sa awtoridad ng Korean, si You ay nasangkot sa pagpapatakbo ng isang ilegal na sports gambling site sa internet na ginamit nila sa pagsolicit ng pera sa kanilang mga biktima na nagkamal ng malaking kita.

Sinasabi na ang sindikato ay kumikita sa kanilang raket na umaabot ng mahigit 110 milyon won, o US$80,000. JAY Reyes