Home LAGAY NG PANAHON South Luzon, VisMin uulanin sa habagat

South Luzon, VisMin uulanin sa habagat

MANILA, Philippines – Patuloy na magdadala ng kalat-kalat na mga pag-ulan ang southwest monsoon o Habagat sa Southern Luzon, Visayas, at Mindanao ngayong Miyerkules, Agosto 16.

Ito ang iniulat ng PAGASA, kung saan ang Visayas, MIMAROPA, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga, at BARMM ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may mga kalat-kalat na pag-ulan dahil sa habagat.

Ang Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon din ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa habagat at localized thunderstorms.

Ibinabala ng PAGASA ang pagbaha at landslide sa oras ng malalakas na mga pag-ulan. RNT/JGC

Previous article‘Tanya Gomez,’ nambudol na naman!
Next articleTeves Jr. kinasuhan ng murder ng DOJ