MANILA, Philippines- Makaaapekto ang Southwest Monsoon (Habagat) sa western sections ng Central at Southern Luzon ngayong Lunes, at magpapaulan sa ilang lugar, ayon sa PAGASA.
Magiging maulap ang kalangitan sa Western Visayas, Zamboanga Peninsula, at Palawan na sasabayan ng kalat na pag-ulan dahil sa monsoon.
Inaasahan naman sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa monsoon at localized thunderstorms.
Ang coastal waters ay magiging slight to moderate sa buong bansa.
Sumikat ang araw kaninang alas-5:26 ng umaga at lulubog mamayang alas-6:23 ng hapon. RNT/SA