MANILA, Philippines- Makaaapekto ang Southwesterly Windflow sa western sections ng Southern Luzon, Visayas, at Mindanao ngayong Biyernes, iniulat ng PAGASA.
Patuloy na binabantayan ng weather bureau ang tropical cyclone sa labas ng Philippine Area of ​​Responsibility (PAR), Super Typhoon Mawar.
Hanggang nitong alas-3 ng madaling araw, si Mawar ay nasa 1,740 kilometro east ng Southeastern Luzon na nagtataglay ng maximum sustained winds na 215 kilometers per hour malapit sa sentro na may gustiness na aabot sa 265 km/h at kumikilos pakanluran sa bilis na 20 km/h.
Inaasahan sa Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, SOCCSKSARGEN, at BARMM ang maulap na kalangitan na may kalat na mga pag-ulan dahil sa hanging habagat.
Makararanas naman sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may isolated na pag-ulan dahil sa hanging habagat at localized thunderstorms.
Samantala, ang tinatayang heat index para sa Metro Manila ay nasa 36 degrees Celsius minimum at maximum na 39 degrees Celsius.
Inaasahang mararamdaman ang pinakamataas na heat index sa Borongan, Eastern Samar sa 45 degrees Celsius.
Ang wind speed sa silangang bahagi ng Luzon at Visayas ay magiging katamtaman na kumikilos sa hilagang-silangan hanggang hilagang-kanluran habang ang mga baybaying dagat ay magiging katamtaman din.
Makararanas ang Mindanao at Palawan ay ng slight to moderate wind speed na kumikilos sa timog-kanluran hanggang kanluran habang ang mga baybaying dagat ay magiging slight to moderate.
Para sa natitirang bahagi ng Luzon at Visayas, ang wind speed forecast ay slight to moderate patungong northeast to northwest direction habang ang coastal waters ay mananatiling slight to moderate.
Sumikat ang araw kaninang alas-5:26 ng umaga at lulubog mamayang alas-6:20 ng hapon. RNT/SA