Home LAGAY NG PANAHON Southwesterly windflow magpapaulan sa Southern Luzon, VisMin

Southwesterly windflow magpapaulan sa Southern Luzon, VisMin

451
0

MANILA, Philippines – Makaaapekto sa bansa ngayong araw, Mayo 25, ang southwesterly windflow partikular na sa kanlurang bahagi ng Southern Luzon, Visayas at Mindanao.

Ayon sa PAGASA, ang Occidental Mindoro, Palawan, Western Visayas, Northern Mindanao, SOCCSKSARGEN, Zamboanga Peninsula, at BARMM ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa nasabing weather system.

Samantala, ang Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon din ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan dahil sa southwesterly windflow at localized thunderstorms.

Kaugnay naman sa binabantayang bagyo sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), huling namataan ang Super Typhoon Mawar sa layong 2,150 kilometro silangan ng southeaster Luzon taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 185 kilometro kada oras at pagbugso na 230 kilometro kada oras.

Kumikilos ito sa direksyong west northwesward sa bilis na 15 kilometro kada oras. RNT/JGC

Previous articleComelec: Internet voting posibleng ipalit sa in-person absentee voting kung..
Next articleCoco, nagpaliwanag sa pagiging pribado ng relasyon kay Julia!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here