Home HOME BANNER STORY SP Escudero nangilag magkomento sa panukalang diborsyo

SP Escudero nangilag magkomento sa panukalang diborsyo

MANILA, Philippines – Lantarang iniwasan ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na magbigay ng posisyon sa panukalang gawing legal ang diborsiyo sa Pilipinas, pabor man o hindi sa panukalang Divorce Bill.

Sa press briefing, sinabi ni Escudero na kailangan pa nitong basahin ang House Bill No. 9349 o ang panukalang Absolute Divorce Act na naipasa sa ikatlo at huling pagbasa sa House of Representatives.

“Ang posisyon ko dito sa divorce ay conscience, personal vote ito. Walang party, walang majority, walang minority stand dito. Personal na desisyon base sa kani-kanilang paniniwala at relihiyon ang mangyayari dyan kada senador. At bilang tagapangulo ng Senado, wala akong balak dumiin pabor o kontra dito, ayon kay Escudero.

Ipinaliwanag din ni Escudero ang malawak na depinisyon ng divorce sa mas maluwang na spectrum.

Mas isinusulong ni Escudero ang annulmewnt ng kasala na nakatakda sa Family Code, na mas mura at madaling gawin.

“Ang personal stand ko ay ito: mas nais kong palawakin at affordable at accessible yung annulment na nasa family code natin ngayon. Sa papaanong paraan? Payagan ang PAO (Public Attorney’s Office) na tanggapin ang mga kasong ito. Nagsabi na ang Supreme Court na hindi na kailangan ang psychologist para mapatunayan ang psychological incapacity,” giit niya.

Hiwalay si Escudero sa unang asawa nito bago pakasalan si Heart Evangelista bago tumakbong bise president ni Senador Grace Poe noong 2016.

“At pangatlo, at mas maliwanag, i-define ng Kongreso kung ano-ano ang mako-consider na psychological incapacity,” aniya.

Sinabi ni Escudero na matagal nang tinatalakay ang divorce bill kahit sa ilang nakaraang Kongreso, pero hindi naisasabatas.

Pumasa sa Mababang Kapulungan ang Divorce Bill na inakda ni Albay Rep. Edcel Lagman, sa botong 131 pabor, 109 komontra at 20 ang hindi bomoto nitong Miyerkoles.

“By legalizing divorce, the Philippines acknowledges the need to provide options for individuals trapped in “unhappy and irreparable marriages,” ayon kay Lagman.

Pumalag ang Catholic Bishops Conference of the Philippine (CBCP) sa pagpasa ng naturang panukala dahil nilabag nito ang nakatakda sa Saligang Batas na manatilihin at ipagtanggol ang kasal at pamilya.

Natatangi ang Pilipinas sa buong mundo ang walang batas hinggil sa divorce kabilang ang Vatican City. Ernie Reyes