Home NATIONWIDE ‘Space burial’ ng kompanya sa Amerika, aarangkada

‘Space burial’ ng kompanya sa Amerika, aarangkada

894
0

MANILA, Philippines- Posible na rin na mailibing ang mga patay sa kalawakan dahil dadalhin ng isang kumpanya sa Amerika ang mga abo ng mga pumanaw sa kalawakan para sa tinawag nitong “space burials.”

Ayon sa ulat nitong Huwebes, ililipad ang halos 190 capsule na naglalaman ng mga abo ng mga namapaya sa kalawakan.

Magpapadala rin umano ang kompanya ng DNA ng mga nabubuhay pa para sa mga nais na i-preserba ang kanilang lahi.

Tinatayang aabot ang space burial sa layong 330 million kilometers sa kalawakan na iikot sa paligid ng araw.

Anang kompanya, pinakauna ito sa kasaysayan.

Nilalaman ng mga capsule ang hair follicle ng mga dating presidente ng Amerika na sina George Washington, Dwight Eisenhower at John F. Kennedy. RNT/SA

Previous articleTree planting ng BJMP tuloy kahit malakas ang ulan
Next articleP3.5M ‘shabu’ nasabat sa QC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here