Home NATIONWIDE Speaker kay Digong: Alegasyon kay PBBM patunayan

Speaker kay Digong: Alegasyon kay PBBM patunayan

MANILA, Philippines – Hinamon ni House Speaker Martin Romualdez ang pamilya Duterte partikular si dating Pangulong Rodrigo Duterte na patunayan ang mga akusasyon laban kay Pangulong Bobgbong Marcos kasabay ng apela nito na itigil na ang pambubudol ng Istorya.

Ayon kay Romualdez dapat itigil na ang “budol-budol” na ginagawa ni dating Pangulong Duterte o ang panloloko sa publiko sa kanyang mga kwento.

“So unless you have proof na ‘yung mga alegasyon ninyo na kung bakit nananawagan dyan na sa ating mahal na President Marcos na bumaba sa pwesto sana mag isip-isip muna kayo, mag-isip muna kayo at ilabas ‘yung mga pruweba. Kasi alam natin hindi totoo ang mga sinasabi ninyo,”pahayag ni Romualdez sa party leaders’ caucus noong Linggo ng gabi.

Una nang bumabat si Davao City Mayor Sebastian DutertPrna bumaba na sa pwesto si Pangulong Marcos kung wala itong tunay na pagmamahal sa bayan.

Sinabayan naman ito ng alegasyon ni dating Pangulong Duterte na ang Pangulong Marvos ay drug user na ang pangalan ay kabilang sa narco-list ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

“Uulitin ko, tigilan nyo na ‘yung mga budol-budol n’yo ‘di ba,” Walang katotohanan ‘yan. Si Mr. former president sabi niya nasa drug list, na-check natin na never na never na si President Marcos ay nailagay sa drug list. Kaya hindi ko alam kung nag iisto-istorya ka na naman. Tigilian mo na ‘yung budol-budol galing sa Davao,” pahayag ni Romualdez. Gail Mendoza

Previous articleBigtime-sirit sa gas, diesel!
Next articleSunod-sunod na panalo sa lotto ‘rare’ pero ‘di imposible – eksperto