MANILA, Philippines – Itinalaga ng House of Representatives si House Speaker Martin Romualdez bilang legislative caretaker ng 3rd district ng Palawan matapos mabakante ito sa pagpanaw ni dating Rep. Edward Hagedorn.
Maliban sa Palawan si Romualdez ay legislative caretaker din ng 3rd District ng Negros Oriental matapos mapatalsik sa pwesto si dating Rep Arnolfo “Arnie” Teves, Jr dahil sa paglabag sa Code of Conduct ng Kamara.
Sa plenary session kahapon ay nagmosyon si Zamboanga Sibugay Representative Wilter Palma na italaga bilang caretaker ng Palawan si Romualdez at sumang ayon dito ang Mayorya.
Sa nasabi din sesyon ay ipinasa ng Kamara ang House Resolution 1368 na nagpapaabot ng pakikiramay sa naiwang pamilya ni Hagedorn na nagsilbi ng matagalbilamg mayor ng Puerto Prinsesa Palawan. Gail Mendoza