Home HOME BANNER STORY Special court sa smuggling cases hirit ng agri group

Special court sa smuggling cases hirit ng agri group

287
0

MANILA, Philippines – Isinusulong ng isang agriculture group ang pagbuo ng isang special court na tututok lamang sa mga kaso ng smuggling.

Ayon kay Rosendo So, chairman ng Samahang Industriya Ng Agrikultura (SINAG), sa panayam ng CNN Philippines, dapat ay ma-amyendahan umano ang mga batas para payagan ang sinuman, kabilang ang agriculture groups, na maghain ng kaso laban sa pinaghihinalaang smuggler sa naturang special court.

“Sa tingin natin mas effective kung may special court kasi tututukan ‘yung mga kaso,” ani So.

Noong Marso, inihain ni Senador Cynthia Villar ang Senate Bill 1963 na naglalayong bumuo ng special courts sa Metro Manila, Bulacan, Cebu at Davao.

Hanggang sa ngayon ay pending pa ito sa komite.

Ani So, karaniwang ang Bureau of Customs ang naghahain ng kaso sa mga smuggler.

Makalipas na iulat ng Department of Agriculture ang pinaghihinalaang smuggled commodities, papasok naman ang BOC para imbestigahan ito at maghain ng reklamo laban sa mga sangkot.

Sa kabila nito, hindi umuusad ang karamihan sa mga reklamo dahil sa kakulangan ng dokumento o wala ang Customs personnel na humawak nito, dahilan para ibasura na lamang ang kaso.

Giit ni So, posibleng may sabwatan sa pagitan ng mga opisyal ng DA at BOC.

Aniya, dapat ay hindi isama ang dalawang ahensya sa Anti-Agricultural Smuggling Task Force ng Department of Justice (DOJ).

Nitong Martes, matatandaan na sinabi ng DOJ na bubuo ito ng task force na tututok “on protecting the entire agricultural sector, not only the onion industry.”

Ito ay tugon sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., umuupong DA secretary,
na imbestigahan ang smuggling ng mga sibuyas at iba pang agricultural commodities.

Sinabi ng DOJ na makakasama sa task force ang Office of the Prosecutor General at National Bureau of Investigation, kabilang ang special team ng mga prosecutor. RNT/JGC

Previous articleSulfur dioxide emission, rockfall events sa Mayon mataas pa rin – PHIVOLCS
Next articleHirit ng EU sa DOJ na palayain na si De Lima, dedma kay Remulla

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here