MANILA, Philippines – Layon ng Commission on Elections na magsagawa ng special election sa Negros Oriental sa ikalawang linggo ng Disyembre.
Ang nasabing halalan ay upang punan ang nabakanteng pwesto ni dating Rep.Arnolfo “Arnie” Teves Jr., kasunod ng panawagan ng House of Representatives (HoR) na magsagawa ng special elections.
Ayon kay Comelec Chairperson George Erwin Garcia, pagtapoa ng buwan ng Setyembre ay makakapag-imprenta na ng mga balota na gagamitin para sa distrito ng Negros Oriental.
Sinabi ni Garcia na tutukuyin ng poll body ang halagang kailangan para sa pagsasagawa ng special elections.
Samantala, sinabi ni Garcia na ang Negros Oriental ay isa sa mga lugar na binabantayan ng mga law enforcement agencies alinsunod sa BSKE.
Bukod sa Negros Oriental may ilan pang mga lugar na isinailalim sa red category. Jocelyn Tabangcura-Domenden