MANILA, Philippines – PATULOY na pinupunan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga bakanteng posisyon sa gobyerno.
Sa katunayan, opisyal nang itinalaga ng Pangulong Marcos si Bryan Lim bilang Special Envoy of the President to the Republic of Korea for Trade and Investments.
Sa kabilang dako, itinalaga rin niya si Julius Neri Jr. bilang general manager at chief executive officer ng Mactan-Cebu International Airport Authority.
Iniupo naman ni Pangulong Marcos si Angelito Vergel de Dios bilang commissioner ng Presidential Commission on Good Government (PCGG). Kris Jose