Home METRO Special non-working day sa Consolacion, Cebu kasado sa Feb. 6

Special non-working day sa Consolacion, Cebu kasado sa Feb. 6

CEBU CITY- Idineklara ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Feb. 6 bilang special non-working holiday sa Consolacion, isang bayan sa norte ng lalawigan ng Cebu, para sa pagdiriwang ng 104th founding anniversary ng munisipalidad.

“(It) is but fitting and proper that the people of the Municipality of Consolacion be given full opportunity to participate in the occasion and enjoy the celebration,” saad sa Proclamation No. 442 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

Inilabas ang proklamasyon noong Jan. 8.

Isang first-class municipality, binubuo ang Consolacion ng 21 barangay at may populasyon halos 150,000.

Mula 1996, ipinagdiriwang ng bayan ang Sarok Festival tuwing foundation day ng Consolacion. RNT/SA

Previous articlePinoy na nakapatay arestado sa Hawaii
Next articleNetizens pinag-iingat ng PNP-ACG kontra cyber liber