Home NATIONWIDE Special permits, libreng sakay pinaplantsa na ng PH gov’t para sa inaasahang...

Special permits, libreng sakay pinaplantsa na ng PH gov’t para sa inaasahang PUV shortage

Larawan kuha ni Danny Querubin

MANILA, Philippines- Naghahanda ang gobyerno na maglabas ng special permits at magtalaga ng libreng sakay sa susunod na taon para sa posibleng kakulangan ng public utility vehicles (PUV) habang nalalapit na ang December 31 deadline para sa consolidation ng jeepney franchises, ayon sa isang opisyal.

Inaatasan ng gobyerno ang mga operator na magsama-sama sa kooperatiba bilang requirement sa ilalim ng PUV modernization program, na unti-unting magwawakas ng mga lumang jeepney na papalitan ng modernong unit. Ang mga grupo ng transportasyon ay sumasalungat sa patakaran, na binanggit ang mataas na halaga ng pag-upgrade.

Sinabi ni Transportation Undersecretary TJ Batan na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay maglalabas ng special permits sa Enero 1.

Dagdag pa ni Batan, nakikipag-ugnayan na sila sa local government units para sa deployment ng libreng sakay upang matugunan ang mga pasaherong maaapektuhan ng posibleng pagbaba sa bilang ng mga PUV.

Nanindigan naman ang DOTr sa ibinigay na deadline sa kabila ng pagkakaroon ng kakulangan sa transportasyon sa susunod na taon.

Hinimok pa rin ni Batan ang mga operators na habulin ang consolidation bago ang December 31 deadline.

Iginiit din ng transport official na dahil sa pagtanggi ng gobyerno na palawigin ang deadline, naobserbahan nila ang pagtaas ng bilang ng mga aplikanteng naghahanap ng consolidation. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articlePagsusuot ng face mask sa mga pagtitipon inirekomenda ng eksperto
Next articleNAIA handa sa pagdagsa ng mga pasahero – MIAA