Special session ng Senado, sinimulan ni Sotto

Special session ng Senado, sinimulan ni Sotto

March 23, 2020 @ 2:23 PM 2 weeks ago

  • 5
  •  
  •  
    5
    Shares
Share

Manila, Philippines – Nagsimula nang talakayin ng Senado sa isang speical session na ipinatawag ni Pangulong Duterte upang mabigyan siya ng kapangyarihan na maglaan ng pondo na labas sa pambansang badyet upang ayudahan ang mahihirap na naapektuhan ng enhanced community quarantine (ECQ).

 

Sa pagbubukas ng sesyon dakong 10:34 ng umaga nitong Lunes, sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na nakatakdang talakayin ng Senado ang kahilingan ng Palasyo na bigyan ng emergency powers si Pangulong Duterte sa pangangalap ng pondo upang labanan  ang paglaganap ng COVID-19.

 

 

Hindi na nagsagawa ng roll call kung sino ang nakadalo dahil pumayag ang karamihan na magkaroon ng teleconferencing sa mga mabibigay ng kani-kanilang suhestiyon.

 

Bukod kay Sotto, dumalo sa special session sina Senador Christopher Lawrence “Bong” Go, Grace Poe, Sherwin Gatchalian, Lito Lapid, Panfilo Lacson, Manny Pacquiao, Francis Tolentino, Ramon Revilla at Senate President Pro-Tempore Ralph Recto.

 

Kasalukuyang nasa caucus ang mga senador kasama sina Finance Secretary Carlos Dominguez, Justice Secretary Menardo Bautista at ilang opisyal ng pamahalaan hinggil sa hinihinging emergency powers ni Duterte at gastusin sa paglaban sa COVID-19.

 

Kasalukuyang naka-suspend ang sesyon dulot ng caucus. Ernie Reyes

Share

Leave a Reply

Loading...