Manila, Philippines – Marami ang nakakapansin sa to-gap spiel ng mga Dabarkads hosts.
Sa halip kasi na ang spiel nila’y “Magbabalik ang E.A.T.!” ay TV5 ang kanilang binabanggit.
Obyus na mas kailangang palakasin ang general viewership ng Kapatid network in such a way para mapunan ang mga kakulangan nito in terms of signal and audience reach.
Tila may unwritten memo o direktiba ang TV5 management sa E.A.T. na tutal naman ay established na ang noontime program ay bigyan naman nito ng chance ang istasyong dapat lang palakasin.
Wala naman itong problema sa mga taong bumubuo ng programa.
After all, lubos nga nilang ipinagpapasalamat ang pagyakap sa kanila ng Media Quest o ng TV5 nang mangailangan sila ng bagong tahanan.
Needless to say, lumalabas na ang E.A.T. ang flagship program ng TV5 whose high ratings spill over to the shows that come after it.
Malaki ngang boost ito sa ibang mga programa ng TV5 mula 2:30 ng hapon onwards.
It’s paying off anyway on the part of E.A.T.
Consistently, nahihirapang makaungos ang revamped Eat Bulaga sa TVJ program.
As the daily ratings figures clearly indicate, laging poor second ang EB.
Ang It’s Showtime naman sa GTV ay pumapangatlo pero very marginal lang ang inilalamang lagi ng EB.
In short, anuman ang to-gap spiel ng E.A.T. ay nangunguna pa rin ito.
Samantala, naiulat ding may sorpresang niluluto si Wiĺlie Revillame kaugnay ng kanyang programang Wowowin na mapapanood sa state-run na PTV4.
Dahil present ang numerong “4,” hindi kaya pumang-apat ang Wowowin sa ratings kung desidido nitong banggain ang tatlong existing shows sa pananghalian? Ronnie Carrasco III