Home NATIONWIDE ‘Spy balloon’ namataan sa Pinas noong 2022 – defense analyst

‘Spy balloon’ namataan sa Pinas noong 2022 – defense analyst

82
0

MANILA, Philippines- Sa gitna ng mga ulat ng hinihinalang Chinese surveillance balloon na pinalipad sa United States, sinabi ng defense analyst nitong Linggo na namataan ang posibleng spy balloon sa Pilipinas noong nakaraang taon.

Sinabi ito ni International studies Professor sa De La Salle University Dr. Renato De Castro matapos pabagsakin ng US military fighter aircraft gamit ang missile ang umano’y Chinese spy balloon sa dagat sa South Carolina nitong Sabado. Kinondena ng China ang military strike at sinabing ginagamit ang airship para sa meteorological at iba pang scientific purposes.

“Tandaan natin na nakakita rin tayo ng pictures nu’n [suspected spy balloon] sa Pangasinan at sa Baguio,” sabi ni De Castro.

“Nili-link ko rin ‘to sa mga reports ng Philippine Air Force na may mga unidentified aircraft na pumasok sa Pangasinan mula Bolinao,” dagdag niya.

Subalit, sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson Colonel Medel Aguilar na ito ay “unconfirmed reports.”

Batay sa isang video, isang residente ng Natividad, Pangasinan ang nagsabing nakakita siya ng misteryosong aircraft noong December 18. Sinabi rin ng Pangasinan Youth for Disaster Risk Reduction and Management na namataan nila ang aircraft sa iba’t ibang bahagi ng probinsya.

Napansin din ang unidentified flying object sa Loakan Airport sa Baguio City.

Sinabi ng senior US defense official na namataan ang Chinese balloons sa iba’t ibang bansa sa limang kontinente,kabilang ang East Asia, South Asia, at Europe, sa nakalipas na ilang taon, batay sa ulat ng Reuters.

Dahil sa isyung ito, napilitan si US Secretary of State Antony Blinken na kanselahin ang kanyang pagbisita sa China ngayong linggo. RNT/SA

Previous articleOCD: Davao de Oro quake infra damage, sumampa sa P21M
Next articleHigit 50M national IDs, naipalabas na – PSA