Home METRO Squad lider ng NPA arestado

Squad lider ng NPA arestado

CAMP LT. ROSAURO TODA JR. City of Ilagan – Bumagsak sa kamay ng pulisya ang tinaguriang nasa Top Most Wanted Person (TMWP) national level na squad leader (CADRE) ng Komiteng Probinsya-Isabela (KOMPROB-ISABELA) Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley (KR-CV) o tinatawag ring Fortuna Camus Command pagkatapos itong maaresto sa Sitio Kapanikian, Brgy. Camalog, Pinukpuk, Kalinga.

Kinilala ang akusadong si Chito Resurrecion, 56 anyos, walang asawa, at tubong Benito Soliven, Isabela na may kasong kasong Murder at Multiple Attempted Murder na PSRTG Listed No.23.

Sa mahigpit na direktiba no PCol. Lee Allen Bauding, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO ay matagumpayan na naaresto sa bisa ng order na warrant of arrest sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa at isa pang warrant of arrest sa kasong Attempted Multiple Murder na may piyansang Php120,000 para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Napag-alaman ang nasabing suspek ay naireport na boluntaryong nagsurender sa 103IB, Kalinga noong December 4, 2023 at nagsurender rin ng isang unit M16 rifle, Isang unit ng Caliber .38 pistol na walang serial no, limang magazines para sa M16 rifle, 100 rounds na bala para sa M16 rifle, at anim na rounds na bala para naman sa cal.38 pistol .

Pansamantala nasa kustodiya ngbpulisya para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon bago ipasakamay sa korteng pinagmulan. Rey Velasco

Previous articleDiskusyon sa Divorce Bill mainit sa Kamara
Next articlePSA: Median marriage age ng Pinoy nasa 28-30