Home METRO Sri Lanka national, namroblema sa pautang; patay

Sri Lanka national, namroblema sa pautang; patay

92
0

MANILA, Philippines – Dahil umano sa matinding depresyon ng kanyang mga pautang sa 5-6 kaya hindi na kinaya ng katawan hanggang sa tuluyang bawian ng buhay ang isang Sri Lankan national.

Kinilala ng MPD-Homicide section ang biktima na si Ram Kitshichand , 70, tubong Sri Lanka at nanunuluyan sa panulukan ng Rubi at Sagrada Pamilia Streets sa San Andres, Maynila.

Ayon sa kasama sa bahay ng biktima, wala namang nalalamang sakit si Ram kaya patuloy pang inaalam kung may kaugnayan sa kanyang depresyon sa sinasabing pagkalugi nito sa kanyang mga pautang.

Sa kabila nito, aalamin pa rin ng pulisya kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.

Isasailalim din sa autopsy ang labi ng biktima. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleKamara, kailangan magdeklara ng permanent vacancy sa pwesto ni ex-Valenzuela Rep. Gatchalian – Comelec
Next article100 pamilya sa Maynila na may maliit na negosyo, dinagdagan ng puhunan