Home METRO SSS account ng sekyu ginamit ng ibang indibidwal sa loan!

SSS account ng sekyu ginamit ng ibang indibidwal sa loan!

MANILA, Philippines- Sumangguni ang isang security guard mula sa Social Security System (SSS) matapos gamitin ng ibang indibidwal ang kanyang account para sa salary loan noong 2021. 

“Gumawa raw po ng account ‘yung nag-loan. Di naman po ako nag-loan sabi ko. Di naman ako gumagawa ng account sa SSS…Noon ko pa po inaayos ‘to, pabalik-balik na po ako sa SSS,” pahayag ni Aries Ibarra sa ulat nitong Miyerkules.

Sinabi ng SSS na ibang tao ang nag-apply para sa salary loan gamit ang account ni Aries.

“At that time, online ang filing natin ng loan, may nagpasok sa account nya, nag-loan, si employer automatic naman in-approve, not knowing na di ‘yun ang empleyado niya,” pahayag ni Cielo Garo, SSS Member Communications and Assistance Department Senior Service Officer 3. 

“Nung malaman dahil nagkakaron sya ng deduction sa pay slip nya, dun lang sya nagpunta sa SSS para sabihin na hindi sya yun,” wika niya.

“P-pwede siya mag-renew kung talagang qualified na siya pero ile-less din namin yung initial loan na nasa records niya,” dagdag ni Garo. 

Iniulat na ni Aries ang insidente sa Philippine National Police Cybercrime Investigation and Coordinating Center (PNP-CICC). Maaari siyang magsampa ng identity theft charges laban sa mga salarin sakiling mapatunayang totoo ito.

Iginiit naman ng SSS na babantayan nila ang kaso.

“Mas hinigpitan na namin ngayon. Meron tayong tinatawag na DAEM o disbursment account enrollment module kung saan dun ic-credit yung mga loan ng tao. Dati kasi, wala kaming mga IDs. Ngayon po kailangan na magpa-picture si member hawak ang dalawang valid IDs niya, close-up ang mukha niya bago i-approve ‘yun,” ani Garo. 

“Maging maingat lalo na ‘yung mga e-mail addresses natin. As much as possible, siguraduhin natin na na-log out talaga natin ‘yung records natin,” patuloy niya. RNT/SA

Previous articleDemolisyon sa QC umarangkada
Next articleEU nangako ng P30M tulong para sa Mindanao flood victims