Home OPINION SSS: HIGHEST REVENUE TARGET NATAMO NOONG 2023

SSS: HIGHEST REVENUE TARGET NATAMO NOONG 2023

NASA 9.5% ang inilaki ng target revenue ng SSS o Social Security System nitong nagdaang 2023. Kumita ito ng Php362.20 billion dahil sa mas pinag-igting na collection effort at mula sa mga investment nito. Pagmamalaki ni SSS President and Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet na ito ang sinasabing “highest revenue so far attained by SSS”.
Sa financial statement ng SSS, ang Php309.12 billion na contribution collection ang siya pa ring primary revenue source nito.
Nakadagdag dito ang koleksyon mula sa 1.4 million new members o katumbas ng Php10.48 billion.
Nakatulong din ang Php27.84 billion na mula sa ipinatupad na contribution hike.
Kumita din ng kabuuang Php53.08 billion mula sa iba’t ibang investments na pinaglaanan ng pondo ng ahensiya.
Nahigitan nito ang Php44.72 billion na kinita noong 2022.

LIMANG BILYONG TAO NANGANGANIB SA TRANSFATS

NASA limang bilyong tao sa buong mundo ang nanganganib mula sa transfats na nagpapataas sa tsansa ng heart disease at kamatayan ayon sa ulat ng WHO o World Health Organization.
Ang transfat ay walang anomang napatunayang benepisyo sa katawan kaya naman taong 2018 pa ay naglunsad na ang WHO ng mga programa at pag-aaral para sa eliminasyon nito hanggang taong 2023.
Madalas makita ang transfat sa packaged foods, baked goods, cooking oils, dairy products, doughnuts at mga palaman sa tinapay.
Itinuturo itong dahilan ng pagkamatay ng mahigit 500,00o na may coronary heart disease sa buong mundo base sa isang pag-aaral noong taong 2006.
Sa ulat na “Countdown to 2023 – WHO report on global transfat elimination 2022, may 43 bansa lamang ang nagpatupad ng mga programa para sa pagbabawas ng transfat na katumbas ng pagkakaligtas ng 2.8 billion na populasyon.
Ipinatupad ng WHO ang national mandatory limit na 2 grams industrially produced transfat per 100 grams of total fat in all foods.
Dito sa Pilipinas, sa isinagawang pagsusuri ng DOST-FNRI o ng Department of Science and Technology – Food and Nutrition Research Institute, lumabas na 17% ng mga produkto ay may mataas na transfat.
May mga ipinatutupad nang regulasyon ang DOH o Department of Health at ang FDA o Food and Drug Administration para makontrol ang pagpasok sa bansa ng mga produktong may mataas na transfat.

Previous article2024 budget sa medical assistance sa indigent patients, tumaas ng 78%
Next articlePAO HELPS  MAN MISTAKEN AS TERRORIST LEADER BE FREED