Home OPINION SSS LUMAGDA NG KASUNDUAN SA DALAWANG LGU AT APAT NA AHENSYA

SSS LUMAGDA NG KASUNDUAN SA DALAWANG LGU AT APAT NA AHENSYA

164
0
NAGANAP nitong September 8, 2023 ang paglagda sa memo­randum of agreement (MOA) at memorandum of understan­ding (MOU) sa pagitan ng Social Security System (SSS) at mga lungsod ng Malabon at Taguig, kasama rin ang Employees Compensation Commission (ECC), Energy Regulatory Commission (ERC), Philippine Public Safety College (PPSC), at Technical Edu­cation and Skills Development Authority (TESDA) na pakikinabangan ng mga job order at contract of service personnel.
Pinangunahan ni SSS president and chief executive officer Rolando Ledesma Macasaet ang paglagda sa kasunduan kasama sina Mayor Jeannie Sandoval ng Malabon City at Mayor Maria Laarni Cayetano ng Taguig City, at sina Atty. Kaima Via Velasquez, executive director ng ECC; Ms. Monalisa Dimalanta, chairperson at chief executive officer ng ERC; PBGen. Ferdinando Sevilla (retired), PPSC, at TESDA secretary and director ge­neral Suharto Mangudadatu.
Kabilang din sa nakipagkasundo sa SSS ang MDC ConQrete, isang subsidiary ng Makati Development Corporation na siyang nagsusuplay ng ready mix concrete, kinatawan ito ni Mr. Romeo Minpin. Sa Taguig City ay nakatakdang maglagay ng e-center ang SSS na pakikinabangan ng tinatayang nasa 300,000 na mga manggagawa. Pinasalamatan ni PCEO Macasaet ang dalawang lungsod, ang apat na ahensya ng pamahalaan, at isang pribadong kom­panya sa pagtitiwala nito sa ahensya na mapagkalooban ng social protection ang kanilang mga manggagawa na ang kategorya ay JO at CS na hindi nakukunsidera bilang miyembro ng Go­vernment Service Insurance System (GSIS).
Dahil sa malasakit ng kanilang mayor at mga pinuno ng ahensya, bilang mga voluntary member ng SSS ay maaari nilang magamit ang benepisyo ng sickness, maternity, disability, unemployment, retirement, funeral at death benefits. Maaari rin silang mag-aplay sa iba’t bang loan programs ng SSS kabilang ang salary loan at calamity loan.
Mapakikinabangan naman sa isang e-center ang pagkuha ng SS number, pagrehistro sa My.SSS portal sa pamamagitan ng SSS website, access sa membership records, pagsasaayos ng contact details, enrollment ng disbursement account sa pamamagitan ng DAEM o disbursement account enrollment module, at online filing ng mga benepisyong handog ng State insurance agency.
Hiniling naman ni Mayor Lani Cayetano sa SSS na pag-aralan kung papaano mabibigyan ng benepisyo ang persons with disabilities (PWDs) sa kanyang lungsod na nangangaila­ngan talagang maseguro ang kinabukasan.
Isa sa mga hangarin ng SSS na ang lahat ng Pilipino ay maging miyembro para may kaseguruhan ang kanilang kina­bukasan. Sa kasalukuyan ay nasa 40.49 million ang miyembro ng SSS na patuloy pang lumalago dahil sa direktang paglapit ng ahensya sa mga tanggapan ng pamahalaan para maipasok sila bilang mga voluntary member.
Sa loob ng 66 years ay talagang nagsilbing balikat ng marami nating mga kababayan ang mga benepisyong napakikinaba­ngan nila sa SSS. Sa mahigit anim na dekada, damang-dama ang tatak paglilingkod at serbisyong handog ng SSS.

Previous articleBasta na lang inilibing ng mga kabaro, bangkay ng NPA umalingasaw
Next articleSCAMMERS, ‘DI NAPIPIGILAN NG SIM LAW

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here