Home OPINION SSS NAGTALA NG “RECORD HIGH” NET INCOME NOONG TAONG 2023

SSS NAGTALA NG “RECORD HIGH” NET INCOME NOONG TAONG 2023

ISANG record high net income na umabot sa Php83.13 billion ang naitala ng SSS o  Social Security System nitong taong 2023, mas mataas ito ng 58% kumpara sa Php52.6 billion na kinita noong taong 2022.

Naniniwala si SSS President and Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet na ang magandang kita ng ahensiya ay bunsod ng maayos na financial management, mga bagong programang inilunsad, karagdagang bilang ng mga bagong miyembro na regular na nagbabayad, at mas epis­yenteng koleksyon.

Umakyat ng 15.6% ang total revenue ng SSS na nasa Php358.82 billion mula sa Php306.16 billion na pinalaki ng contribution collections na lumago rin ng 18.2% na nasa Php309.12 billion kumpara sa Php261.44 billion lamang.

Umabot naman sa Php270.69 billion ang kabuuang gastos ng SSS kung saan malaking bahagi ay inilaan sa benepisyo ng mga miyembro at mga pensioner.

Ikinatuwa ni PCEO Macasaet na bahagyang tumaas ng 6.7% ang benefit payments na umabot ng Php259.03 billion mula sa Php242.81 billion.

Nagpaliwanag naman si PCEO Macasaet sa naging pagtaas din ng operating expenses ng SSS na umabot sa Php11.65 ­billion  kumpara sa Php10.75 billion lamang noong 2022. Ito aniya ay 30.32% lamang ng pinapayagang operating expenses na Php38.4 billion.

Pagseseguro ni PCEO Macasaet, pinagsisikapan nila na manatili sa “modest level” ang anomang gastusin ng SSS bilang pagbibigay pagpapahalaga sa bawat piso na kontribusyon ng mga miyembro.

Kung mayroon kayong mga katanungan o gustong linawin na mga bagay-bagay, huwag kayong mag-atubiling magpadala ng mensahe sa ating youtube channel: Hilda Ong, Agarang Serbisyo Lady at asahan po na ipararating namin ito sa SSS.

Ito ay bahagi ng ating pagbibigay ng serbisyo publiko at sa hangarin ng SSS na kayo ay mapaglingkuran.

Previous articleImbestigasyon sa ‘di awtorisadong pagbebenta ng NFA rice ipinag-utos ng Agri chief
Next articleKABATAAN PATULOY NA BABANTAYAN