Home OPINION SSS NAKIBAHAGI SA TREE PLANTING ACTIVITY SA NORZAGARAY, BULACAN

SSS NAKIBAHAGI SA TREE PLANTING ACTIVITY SA NORZAGARAY, BULACAN

BILANG bahagi ng corporate volunteerism ng SSS o ng Social Security System ay lumahok ang 160 na matataas na opisyal at mga empleyado ng ahensiya sa “Balikatan para sa KalikaSSSan” tree planting activity na ginanap sa Sitio Suha, Barangay San Mateo, Norzagaray, Bulacan kung saan naroroon ang Ipo Dam na bahagi ng Angat Watershed Forest Reserve.
Kabilang sa mga opisyales na nanguna sa pagtatanim ng higit kumulang 1,000 fruit bearing trees sina executive vice president for branch operations sector Voltaire Agas; EVP for corporate services sector, Elvira Alcantara-Resare; at Richard Aresta, manager, performance management and employee department.
Dumalo rin sa nasabing aktibidad si mayor Ma. Elena Germar ng Norzagaray, Bulacan.

Inorganisa ng Human Resource Services Division at SSS Volunteer Group sa tulong ng DENR o Department of Environment and Natural Resources at ng local government unit of Norzagaray, Bulacan.

Kasabay nito ay nagsabi si Mayor German na kanyang ipaparehistro ang nasa 500 job order workers ng kanyang munisipyo sa ilalim KaSSSanga Collect Program na para sa kaseguruhan ng mga manggagawa.

Patuloy na lumalakas at dumarami ang nagkakainteres sa KaSSSangga Collect Program.

FDA MAY BABALA KONTRA GAMOT NA PAMBATA
NAGBIBIGAY babala ang FDA o ang Food and Drug Admi­nistration sa publiko ukol sa unregistered medicines for children na pinuna ng WHO o ng World Health Organization dahil sa pagtataglay ng toxic chemicals.
Sa advisory na may petsang December 28, 2023, sinabi ng FDA na mayroong limang pediatric drug products ang Pharmix Laboratories na mayroong diethylene glycol at ethylene glycol na maaaring makasama kung sobra ang paggamit.
Kabilang sa mga sintomas na mararanasan kapag nakainom nito ay pagsusuka, pagtatae, matinding pananakit ng tiyan, halusinasyon, at problema sa kidney o bato na maaaring maging sanhi ng pagkamatay.
Kabilang sa mga sinabi ng WHO na substandards ay ang Alergo syrup, Mucorid syrup, Ulcofin suspension, Zincell syrup, at Emidone suspension na ibinebenta sa mga bansang Pakistan, Laos, Maldives, Fiji, at sa Belize.
Paglilinaw ng FDA, hindi rehistrado ang mga nabanggit na produkto kaya masusing babantayan na hindi makarating sa ating merkado ang mga syrup at suspension na may masamang epekto sa mga bata.
Bagama’t wala pa namang naitatalang kaso, pinakiusapan ng FDA ang mga local manufacturer na kung ang kanilang produkto ay mayroong propylene glycol, polyethylene glycol, sorbitol, at glycerin, na mas makakabuti na ipa-test ang kanilang produkto bago gumawa ng mass production.
May karampatang parusa ang hindi pagsunod sa mga regulasyon ng FDA.

Previous articleLotto Draw Result as of | January 11, 2024
Next articleUBOS NA, WALA NA