Home OPINION SSS: TELLERING MACHINE MAGSISIMULA NANG ALISIN

SSS: TELLERING MACHINE MAGSISIMULA NANG ALISIN

BILANG pagsunod sa kautusan ng Republic Act No. 11032 o ang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Deli­very at ng Executive Order No. 170, Adoption of Digital Payments for Government Disbursements and Collections, ipinagbibigay-alam ng SSS na magsisimula nang alisin ang mga tellering faci­lities sa tanggapan nito.
Hanggang April 1, 2024 na lamang tatanggap ng payments ang mga sumusunod na branches:
SSS Cabanatuan
SSS Candon
SSS Cauayan (Isabela)
SSS Lapu-Lapu
SSS La Union
SSS Roxas City
SSS San Jose, Nueva Ecija
SSS Urdaneta City
Kaya sisimulan na po ng mga employer at mga miyembro na makasanayang magbayad ng kanilang monthly contribution sa pamamagitan ng SSS accredited banks at non-banking collec­ting partners na ang listahan ay maaari ninyong makita sa website, www.sss.gov.ph o maaari ninyong ma-scan ang QR code sa FB account na Philippine Social Security System – SSS.
Bilang pagsunod sa probisyon ng Republic Act No. 11032 o ang Anti-Red Tape Act, nagsasagawa ng isang 2023 Client Sa­tisfaction Measurement Survey ang Social Security System para malaman kung naging katanggap-tanggap ba sa publiko ang serbisyong ipinagkaloob ng SSS.
Inaanyayahan kayo ng SSS na makibahagi sa pamamagitan ng pagsagot sa tinatayang limang minutong survey na ipapadala sa inyong nakarehistrong email address mula sa official email address ng SSS branches o sa pamamagitan ng [email protected].
Sagutin n’yo po nang makatotohanan ang mga katanungan para matulungan n’yo ang SSS na mas higit na mapagbuti ang aming serbisyo sa hinaharap.
Kung mayroon kayong mga katanungan o gustong linawin na bagay-bagay, huwag kayong mag-atubiling magpadala ng mensahe sa ating mga social media account, Hilda Ong Agarang Serbisyo Lady Youtube channel o sa TV Radio Hilda Ong Facebook page at asahan ninyo na ipaparating ng inyong lingkod sa SSS.
Ito ay bahagi ng ating pagbibigay ng serbisyo publiko at sa hangarin ng SSS na kayo ay mapaglingkuran.

Previous articleMas maraming staff ng PHI-NADO vs anti-hoping code, aprub kay PBBM
Next articleACCREDITED MOTORCYCLE TAXIS SA PILOT TEST DAPAT DAGDAGAN?