Home NATIONWIDE Stabbing spree sa QC ikinabahala ng CHR

Stabbing spree sa QC ikinabahala ng CHR

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng “deep concern” ang Commission on Human Rights (CHR) sa pag-atake laban sa mga barangay safety officer at isang pulis sa Quezon City.

Ayon sa mga ulat, isang lalaki ang nagsagawa ng pananaksak noong Abril 10 sa Barangay Payatas A sa Quezon City, na ikinamatay ng isang barangay safety officer at ikinasugat ng tatlong iba pa, kabilang ang isang pulis.

“Ang ganitong mga aksyon ay nagdudulot ng panganib hindi lamang sa kaligtasan at kapakanan ng mga naglilingkod, kundi pati na rin sa pangkalahatang kapayapaan at seguridad ng komunidad,” sabi ng CHR sa isang pahayag.

“Paalalahanan namin ang lahat na sumunod sa mga prinsipyo ng karapatang pantao na nakasaad sa Konstitusyon ng 1987 ng Pilipinas, na nagsasaad na ang bawat indibidwal ay may karapatan sa buhay, kalayaan, at seguridad nang walang anumang uri ng diskriminasyon,” dagdag nito.

Hinimok ng CHR ang mga kaugnay na ahensya na “mabilis na pangasiwaan ang kaso at panagutin ang may kasalanan. Santi Celario