Home NATIONWIDE Staggered rollout ng P100 wage hike suhestyon ni Concepcion

Staggered rollout ng P100 wage hike suhestyon ni Concepcion

MANILA, Philippines – Nagbigay ng suhestyon si Private Sector Advisory Council (PSAC) head for jobs at Go Negosyo founder Joey Concepcion na ibigay na lamang sa staggered basis ang panukalang P100 wage hike sa mga empleyado sa pribadong sektor.

Sa panayam, sinabi ni Concepcion na hindi nagpatupad ng agarang wage hike na kasinlaki ng P100 ang nakaraang administrasyon.

“I am not against wage increases… But do we implement 100 (pesos) in one go or we plan that overtime?” tanong niya, sabay-sabing ang malalaking kompanya lamang ang may kaya sa halaga ng wage hike.

“Not everybody can afford a PHP100 wage increase, maybe large corporations, those that are doing well. But there are also [those] that are not doing well,” dagdag pa niya.

Nang tanungin naman ang implementation period para sa staggered pay increase, sinabi ni Concepcion na ipapaubaya niya na lamang ang usapin sa mga eksperto.

Bagama’t exempted ang micro-enterprises sa pagpapatupad ng P100 pay hike, mahihirapan pa rin ang mga small and medium enterprises (SMEs) na bumubuo sa 99% ng business establishments. Posible rin aniyang magresulta ito sa pagsasara ng mga ito.

Dagdag pa ay nagsisimula pa lamang ang ilang MSME na makarekober sa epekto ng COVID-19 pandemic.

“I think we should remain focused on creating more jobs for our people. Hopefully, some of our people will start to upskill and reskill themselves because the more skills you have, you can move up the ladder and be promoted to a higher position which will give you higher pay,” aniya. RNT/JGC

Previous articleKontrata sa VCM para sa 2025 poll dedesisyunan na ng Comelec
Next articlePamahalaan bubuo ng ‘world-class’ infra sa pagsisiguro ng investors’ growth