Hiniling ni Davao Rep Paolo Duterte sa Senado na agad maipasa ang panukalang nagtatakda na maging pantay pantay ang retirement benefits na nakukuha ng mga judges, justices at judiciary officials.
Ang panawagan ay ginawa ni Duterte kasabay ng pagpasa sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ng House Bill 8392.
Ipinaliwanag ni Duterte na ang judiciary officials na mayroon din kaparehong ranggo gaya ng justices at judges ay kalimitang huli pagdating sa benepisyo dahil na rin sa kawalang batas na naglilinaw ng kanilang mga benepisyo na dapat ay natatanggap.
“Fairness and the equal application of the law are among the tenets that the judiciary is mandated to uphold and protect. Ironically, through no fault of their own, these tenets are not followed by the judiciary when it comes to providing retirement benefits to certain officials simply because of the lack of a law that standardizes the grant of such benefits,” ani Duterte.
Inihalimbawa ni Duterte ang court administrators na may judicial rank at nakakatanggap ng kaparehas na sahod at pribelehiyo gaya ng mga justices subalit sa oras na magretiro na ang mga ito ay wala nang benepisyong natatanggap dahil hindi sila isinama ng Government Service Insurance System (GSIS) sa mga dapat na nakakatanggap ng retirement benefits.
“Thus, judicial officials with the judicial rank, salary and privileges as those of justices and judges are left with no retirement benefits despite their long years of dedicated service,” ani Duterte.
Ipinaliwanag ng mambabatas na ilang beses na itinatama ng Supreme Court ang maling polisiya na ito sa pamamagitan ng pagpapalabas ng resolusyon na nagsasabing dapat ay makatanggap ng kaprehong benepisyo ang mga judiciary officials na may ranggo na katumabas ng judge o justices kabilang dito ang court administrator, deputy court administrator, clerk of court at iba pang opisyal subalit hindi ito naiimplementa dahil na rin sa paliwanag ng GSIS at Department of Budget and Management (DBM) na ang nasabing benepisyo ay hindi nakasaad sa Republic Act 910.
Iginiit ni Duterte na dapat maitama ang nasabing batas sa pamamagitan ng House Bill 8392 na dapat agad din na maipasa sa Senado.
“The enactment of a new law through the passage of the reconciled version of House Bill 8392 and the Senate’s counterpart measure is the solution to this gross violation of the equal protection clause enshrined in our Constitution,” ani Duterte.
Sa oras na maisabatas ay aamyendahan ng panukala ang Section ng RA 910 kung saan palalawakin ang mga miyembro ng judiciary na dapat nakakataggap ng retirement benefits.
Umaasa si Duterte na tutukan ng Senado ang nasabing panukala sa katwiran noong nakaraang 18th Congress ay kahalintulad na panukala na ang naipasa ng Kamara ngunit hindi ito binigyang pansin ng Senado kaya naman ngayong 19th Congress ay umaasa ang mambabatas na maaprubahan na ito.