Home NATIONWIDE Star dancer ng Alice in Wonderland, todas sa mani

Star dancer ng Alice in Wonderland, todas sa mani

CONNECTICUT, USA – Namatay ang isang maganda at lead dancer ng Alice in Wonderland makaraan itong kumain ng cookie na may mani kamakilan lang.

Nakilala ang biktima na si Órla Baxendale, 25, isang British, makaraang magka-allergy ito sa mani na hindi nakalista bilang sangkap ng nasabing cookie na may tatak na Vanilla Florentine Cookies.

Uminom naman ang biktima ng anti-allergy na gamot, EdiPen, na laging niyang baon ngunit hindi umubra sa tindi ng allergy na dumapo sa kanya.

Binili ni Baxendale ang cookie sa Stew Leonard’s, isang sikat na grocery store chain sa US.

Sa imbestigasyong ginanap, napag-alamang hindi nakalista sa nasabing pang-miryendang pagkain ang mani bilang sangkap nito at idineklara itong mislabeled.

Dahil sa pangyayari, pinababalik na ng grocery store ang mga nabili ng iba, lalo na ang stock na roon nakapaloob ang nakamamatay na cookie, kasama ang Chocolate Florentine Cookies.

Sinabi naman ni Stew Leonard Jr., president at CEO ng Stew Leonard, na binago ng manufacturer ang sangkap “from soy nuts to peanuts” ngunit hindi ipinaalam sa chief safety officer ng Stew Leonard ang nasabing pagbabago. RNT/FC

Previous article20 extortionist sa mga banyagang may malalaswang larawan, kalaboso
Next article“LONG WEEKENDS” MALAKING TULONG SA TURISMO