Home METRO State of calamity idineklara sa San Fernando, La Union

State of calamity idineklara sa San Fernando, La Union

MANILA, Philippines – Isinailalim sa State of Calamity ang lungsod ng San Fernando, La Union noong Enero 19, 2024 bilang tugon sa sunog na tumupok sa wet market sa lungsod noong Enero 11, 2024.

Idineklara ng Konseho ng Lungsod ang state of calamity sa panahon ng isang espesyal na sesyon, na nagbibigay daan para sa mabilis na pagkilos upang magbigay ng tulong sa mga apektadong negosyo at mapabilis ang mga clearing operation para sa pagtatayo ng isang bagong merkado.

Bumuo na ng team ang Bureau of Fire Protection (BFP) La Union na mag-iimbestiga ng masinsinan sa insidente.

Tinatayang  nasa P203 milyon ang pinsala sa ekonomiya at pag-unlad at P90 milyon sa imprastraktura. RNT

Previous articlePuting sibuyas ibinebenta na lang ng P17/kg sa N. Ecija
Next articleSanto Papa nanawagan sa pagpapalaya ng mga bihag na madre, iba pa sa Haiti