MANILA, Philippines – Malabong ideklara ang state of calamity dahil sa epekto ng El Nino.
“The impact of El Nino will be area specific… I doubt we will come to a point where a national state of calamity will be declared but we are prepared for that,” pahayag ni Department of the Interior and Local Government Director Edgar Allan Tabell nitong Martes, Agosto 30.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), maaaring mag-peak ang El Niño sa huling bahagi ng taon at magpatuloy hanggang Pebrero ng susunod na taon.
“Hindi ibig sabihin after February, tapos na ang El Niño. May residual effect kaya mahaba-haba ang dapat paghandaan,” sinabi ni Office of Civil Defense (OCD) Undersecretary and Administrator Ariel Nepomuceno.
Hanggang nitong Agosto 21, umabot na ang dry spell sa 10 lugar sa bansa, kabilang ang Aklan, Capiz at Mindanao.
Idinagdag pa ng PAGASA na nasa 40 probinsya at lungsod ang mapupuruhan nito, lalo na ang mga sakahan at taniman ng mais.
Wala namang eksaktong datos na maibibigay ang El Nino Team at OCD kung ano ang inaasahang halaga ng pinsala sa agrikultura, lalo na ang rice output dahil sa nasabing weather phenomenon. RNT/JGC