Home NATIONWIDE State visit ni PBBM sa Malaysia pakikinabangan ng mga Filipino- Romualdez

State visit ni PBBM sa Malaysia pakikinabangan ng mga Filipino- Romualdez

MANILA, Philippines – Malaking pakinabang sa bansa ang naging pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos sa Malaysia, ayon kay House Speaker Martin Romualdez.

Si Romualdez ay bahagi ng delegasyon nina Pangulong Marcos at First Lady Liza Araneta-Marcos na binigyan ng State Welcome Ceremony sa Istana Negara (Malaysia’s National Palace).

Ang delegasyon ni Pangulong Marcos ay mainit na tinanggap nina King Al-Sultan Abdullah at Queen Azizah, kasama sina Prime Minister Anwar Ibrahim at misis nitong si Dr. Wan Azizah Wan Ismail.

“The warm welcome accorded to President Marcos by King Abdullah and Prime Minister Anwar augurs well for the expansion of economic and trade partnership, as well as in further strengthening our friendly relations with our fellow ASEAN partner Malaysia,” pahayag ni Romualdez.

Ayon kay Romualdez, ang state visit ay naglalayong palakasin ang tulungan ng Pilipinas at Malaysia sa larangan ng agrikultura at pagpapatatag ng suplay ng pagkain, digital economy, turismo, people-to-people exchanges, at iba pang bagay kung saan mayroong kapwa interes ang dalawang bansa.

“On the part of the House of Representatives, we are open to considering possible measures that would help enhance the partnership that would redound to the mutual benefit of the peoples of the Philippines and Malaysia,” ani Romualdez.

Aniya, kasama sa mga panukala na tututukan ng Kamara ang House Bill No. 07118 na mag-aamyenda sa Republic Act No. 9997, o ang National Commission on Muslim Filipinos Act of 2009 upang mapatatag ang lokal na Halal industry ng Pilipinas. Gail Mendoza

Previous articleLandbank-DBP merger, tatalupan ni Gatchalian
Next articleNawawalang 4 na PCG rescuers hindi pa rin nahahanap