Home ENTERTAINMENT Stephanie Raz, ginawang parausan!

Stephanie Raz, ginawang parausan!

Manila, Philippines – Natutuwa si Stephanie Raz na pagkatapos magbida ng kanyang mga kapatid sa industriya na sina Angela Morena at Micaella Raz sa Vivamax movies ay siya naman ang nabigyan ng pagkakataong mag-lead sa pelikulang “Kahalili.”

Aniya, nagpapasalamat daw siya sa chance na ibinigay sa kanya ng Viva to shine on her own.

Hirit pa niya, trophy daw niyang maituturing ang biggest break niya sa nasabing obra ni Direk Bobby Bonifacio, Jr.

Itinodo raw niya ang lahat ng kanyang makakaya para mabigyan ng hustisya ang kanyang role sa nabanggit na erotic at psychological thriller.

Bigay-todo rin siya sa kanyang pagpapaseksi lalo na’t may hinihinging senswalidad ang kanyang karakter bilang isang katulong na naging parausan ng kanyang amo.

Sobra rin siyang thankful sa suportang ibinigay sa kanya ng award-winning actor na si Sid Lucero na inalalayan siya sa kanilang sex scenes.

Sa “Kahalili” ay ginagagampanan niya ang papel ni Martha na naging surrogate mother para sa mayamang mag-asawa.

Mula sa direksyon ni Bobby Bonifacio, Jr. (Bula, Tahan), mapapanood na ang “Kahalili” sa Vivamax. Kasama rin sa cast sina Millen Gal, Victor Relosa at Mercedes Cabral. Archie Liao

Previous articlePag-abswelto sa 17 parak sa ‘Blood Sunday’ iniapela sa DOJ
Next articleEx-DA chief Alcala lusot sa P13.5M graft case