Home METRO Sto. Niño regalo ng pag-ibig ng Diyos – Bishop

Sto. Niño regalo ng pag-ibig ng Diyos – Bishop

MANILA, Philippines – Sa pagdiriwang ng Pista ng Sto. Niño, pinaalalahanan ni Bishop Shane Mackinlay ang mga mananampalataya na ang rebulto ng Banal na Anak ni Hesus na ibinigay ng mga Kastila sa Pilipinas ilang siglo na ang nakalilipas ay isang regalo ng pag-ibig ng Diyos.

Sa kanyang homiliya sa Basilica Minore del Santo Niño de Cebu, iginiit ng Obispo ng Diocese of Sandhurst, Australia, na hindi ang kahoy na estatwa ni Sto. Niño na dapat ipagdiwang, ngunit lahat ng kinakatawan at ipinapaalala nito sa mga tao.

Sinabi ng Obispo na ang regalo ng Sto. Niño ay isang tanda ng pananampalatayang Kristiyano na ipinahayag sa Pilipinas sa unang pagkakataon mahigit 500 taon na ang nakalilipas.

“The statue of Sto. Niño and the cross that were given at the same time were gifts from the Spanish explorers, but it’s not first of all their gifts that we celebrate. It’s the gift that they wanted to share with the people of the Philippines—-the gift that they had received from God, the gift of God’s love.”

“That’s the first gift that we celebrate. That’s the most important gift. It’s the gift that we see shared first of all in the very generous, overwhelming, outpouring of God’s love in creation that in so many ways was brought to its fulfillment in Jesus taking on a human form in God dwelling amongst us,” sabi ni Bishop Mackinlay.

Sinabi ni Mackinlay na ang regalo ni Sto. Niño ay paalala rin ng kahandaan ng mga Pilipino na yakapin ang ebanghelyo na ipinahayag at sundin si Hesus bilang kanyang mga alagad.

Idinagdag pa ng Obispo na ang paraan ng pag-unlad at pag-usbong ng pananampalatayang Katoliko sa buong bansa at ang paraan ng pagpapayaman nito hindi lamang sa mga Pilipino, kundi sa mga kultura, lupain, at mga mamamayan sa buong mundo ay dapat ding ipagdiwang.

Sa Pista ng Sto. Niño, sinabi ni Mackinlay na dapat na i-renew ng mga Pilipino ang kanilang pangako sa misyon na ginawang magnet at inspirasyon ang Simbahan sa Pilipinas para sa napakaraming tao sa buong mundo.

Naghanda ng ilang aktibidad ang Cebu City upang gunitain ang Pista ng Santo Niño, na ipinagdiriwang tuwing ikatlong Linggo ng Enero.

Samantala, sa Pista ng Sto. Niño De Tondo, tuloy-tuloy din ang Misa na dinadagsa rin ng mga mananampalataya at bisita.

Sa pinakahuling update ng Manila Police District, umabot sa mahigit-kumulang 5,000 ang mga dumalo sa ika-21 misa sa Tondo church.

Nanatili namang nakabantay ang daang kapulisan sa buong selebrasyon ng Kapistahan upang mananatiling payapa at ligtas ang mga bisita dumarayo para makiisa sa nasabing pagdiriwang.

Kahapon, sa bisperas ng Pista ay bumuhos ang mga nakilahok sa taunang Lakbayaw kung saan nangingibabaw ang dami ng mga replica ng imahe ng Sto. Niño na ang karamihan ay pinagsama-samang mga estatwa sa mga sasakyan, tricycle at ang iba pa naman ay bitbit ng mga sumama sa prusisyon habang umiindak. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleTINGNAN: Pista ng Sto. Niño sa Tondo, dinagsa!
Next articleRapist timbog sa manhunt