MANILA, Philippines – Bumaba ng 7.5% noong Marso ang national inventory ng stock ng bigas, ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa inventory report na inilabas nitong Miyerkules, Mayo 17, sinabi ng PSA na ang rice inventory ay nasa 1.41 milyong metriko tonelada (MT) sa pagsisimula ng Marso na may 13.7% year-on-year na pagbaba.
“With reference to the previous month, rice stocks exhibited month-on-month reduction in the household sector by -7.5 percent, in the commercial sector by -8.7 percent, and in NFA depositories by -1.6 percent,” dagdag pa ng PSA.
Ang mga bigas sa kabahayan na nasa 57.6% ang kabuuan, ay bumaba ng 6.2% o 811.52MT.
Ang mga bigas naman na nakatago sa commercial warehouse ay bumaba rin ng 19.2% at ang stock na nasa National Food Authority depositories ay bumaba naman ng 33.9%.
Sa kaparehong report, sinabi ng ahensya na maliban sa bigas ay bumaba rin ang inventory ng mais ng 29.1% o 317.86 thousand MT mula 2022. RNT/JGC